hanash, atbp. | 01

Ilang linggo narin akong hindi nakakapagsulat dito sa blog. Gusto ko sana kaso, ewan ko ba, mas madaling magtweet kesa magsulat sa blog. Ang daming ganap mula ng huli akong nagsulat dito. I was thinking of writing this under the coffee date series kaso parang di siya bagay. Kaya heto naisipan kong humanash na lang ng kung ano-ano. Wala rin naman ako sa mood magsulat following the format of my other blog posts so dito na lang muna. Parang writing practice. Taglish, or pwede namang pure english pero baka mahirapan ako sa pure Filipino. Ni hindi ko nga sure kung tama ang pag-gamit ko ng “ng” at “nang” pero sure naman ako sa gamit ng hanash. hahaha.

Kaya heto, hanash na lang tayo ng beri beri light.

Saan ba ako mag-uumpisa? Hindi ko alam. Kaya halo-halo na lang muna tayo.

MMORPG. Bumalik ako sa gaming mga 2-3 months ago. Gaya ng dati, mejo iintro lang din. Pero di naman introboys na pang 3 days. Tumatagal naman a month or so depende kung may kasamang maglaro. Noong panahong nagaantay kami ng madaming mobile games na pwedeng malaro, walang lumalabas. Ngayon, sunod sunod ang release ng new mmorpgs. Huwag niyo na akong asahan sa moba or shooting games, nakakatamad. Mas gusto ko ung chill lang, afk gaming ganern. As for the games itself, I played AK2 for a while. Gumastos para sa deluxe wedding only to leave it after more than a month. Tinamad narin kasi ako. I also played BnS for awhile, an adopted account. Kasi baka tamarin ako lalo kapag yung account kong iniwan sa level 50 parin ang lalaruin ko. Ang naging problema ko doon, hindi ko alam ang gagawin. LOL. I never played adopted accounts, always from the ground up ako maglaro. First time ko ‘to, so kapa-kapaan parin. Tas tinatamad parin maglaro. So baka antayin ko nalang talaga paglabas ng Rohan or kapag nakayayayaan na kami ng UPR na maglaro ng isang game talaga.

Online Shopping. Isang malaking sumpa ‘tong Lazada at Shoppee na ‘to. Yung itinipid ko ng ilang buwan nung ECQ, eh nagastos ko din lang nung nag GCQ na. To validate naman my purchases, nag renovate kasi ako ng kwarto to put a mini office para sa WFH. Although, I didn’t buy everything new, some of the things we used in the room were bought in a surplus store. Yung ibang orders naman, nanay ko na ang bumili. Hahaha. Mas adik pa siya sa akin swear. Speaking about renovation…

WFH Office. For the first few week of WFH kasi sa sala ako nagseset up ng mini work station, malapit sa gate, malapit sa mga aso, malapit sa tv. Lahat ng ingay napipick up during my call. Dahil nasa sala din ako, daanan din ng mga tao. Maingay at medyo distracting. Since nagpaplano narin naman ang mudrabels to remove the built in cabinets inside our room, na halos kasing tanda ko ata, nagdecide narin ako na magset up ng mini office sa kwarto. Nakalimutan kong magpicture ng before and after. Pero subukan kong maghanap sa old pictures/videos with my child then saka ako gagawa ako ng post dito. Yun eh kung may mahanap ako at mahanap din ako ni kasipagan.

Reading. Never naman ‘tong nawala, nagbabasa parin ako talaga when the mood strikes. Ang isyu ko lang ngaun, naging book hoarding na siya. Hahaha. Okay pa nung ebook hoarding lang eh. Space lang sa cloud at kindle ang kinakain. Eh ngaun? Bukod sa space sa bahay, pati laman ng wallet ko kinakain din. LOL.

Binge Watching. Natigil ako magmarathon ng mga Chinese drama. Either nanawa na ako or walang interesting na bagong labas. Balik Netflix ako na kung ano ano rin lang ang pinananood ko. Madalas hindi ko rin tinatapos or fast forward watching lang ang ginagawa ko. Magmula rin kasi nung nawala ang ABSCBN sa local TV naging kaagaw narin namin ang nanay ko sa Netflix at bandwidth ng internet. Tapos na niya ang Doble Kara. Namomoblema kami ngaun saan namin ipapanood sa kanya ang season 2 nun. Eh madami pa namang apps na hindi available sa Mi Box 4.

Social Media. Nagset ako ng timer sa phone na auto shut off lahat ng socmed including messenger from 8pm – 8am. Di ka talaga maiistorbo kasi di mo mabubuksan ung apps (unless magcheat ka at magbreak ng max of 30 mins). So kapag minessage nila ako ng past 8pm ng weekdays, kinabukasan ko na mababasa. I also started a cooking instagram account na tinatamad na akong iupdate. Tinatamad narin akong iupdate ung main IG account ko kasi nakakatamad lang talaga. Pati pagreply sa mga GC nakakatamad din. Hahaha masaya na ko sa paheart, like at happy emoji. Tinatamad din akong iupdate at gawing active ung mga FB page na hawak ko. Huwag niyo ng asahan ung FB account ko. Hanggang my day na lang yun. Nakakashomad kasi talaga.

Exercising. Well, kailangan. Kasi may mga dapat akong imanage health wise. Natutuwa naman akong magtatatakbo ng 30 minutes sa labas ng bahay araw-araw. Binilhan rin ako ng supportive kong pinsan ng dumbbell para push fillet na talaga ang balik healthy me program. Hindi balik alindog kasi perks na lang yun. Health talaga ang habol ko.

Others. Sa ibang hanash post ko na lang ihahanash yung mga hanash ko sa current events. Nakakajinit ulo kasi at nakakawalang gana. Iinit lang mga ulo natin mga baccclaaa. Pa-good vibes muna tayo sa first post. Don’t worry, hindi naman ‘to pa-toxic positivity.


Kayo, anong hanash niyo today?


Published by twstrfries

twisted fries and good vibes

2 thoughts on “hanash, atbp. | 01

  1. Haha ang cute nong tapos na n’ya ang Doble Kara!

    Gets na gets yung ang sakit sa bulsa sa pagcocollect ng libro. Actually yun talaga collection ko pero minsan gusto ko nang tigilan kasi ang sakit talaga sa bulsa. Ang kaso naman, bihira ako makatapos kapag sa ebook ako nagbabasa. 😦

    Same rin sa social media time limit! Ang akin naman maximum of 3 hrs use always. Hahaha. Minsan nagchecheat rin pero 15 min lang yung time frame nung sa’kin.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: